ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Sa mga naunang modyul, nagkaroon ka ng higit na malalim na pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa pagkatao ng tao. Inaasahang ito ay makatutulong sa paggawa mo ng mga pasya patungo sa katotohanan o kabutihan; sapagkat, sa paggawa ng moral na pagpapasya kailangan mo ang malalim na pang-unawa tungkol sa isip at kilos-loob, konsensya, kalayaan, at dignidad ng tao.
Sa modyul na ito ay inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-unawang ito upang masimulan mo na ang una sa pinakamahahalagang hakbang sa pagkakamit ng iyong mga pangarap – ang pagtatakda ng iyong mithiin
Gawain 1
May pagkakaiba-iba ba ang panaginip, pantasya, at pangarap? Pag-aralan mo ang mga larawan sa ibaba.
Panuto: Tukuyin kung alin sa hanay ang panaginip, pantasya at pangarap

Lahat daw ng tao ay nanaginip. Lahat din ay may kakayahang magpantasya. Pero hindi lahat ng tao ay nangangarap. Ang iba kasi ay parang sumuko na sa buhay o nawalan na ng pag-asa. Ano nga ba ang pangarap?
Basahin at unawain ang liriko ng awit ng After Image Band. Maari mo itong pakinggan gamit ang CD o MP3, o sa internet Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong tungkol sa awit: 1. Ayon sa awit, bakit mo kailangang mangarap? 2. Ano ang ibig sabihin ng unang saknong? Ipaliwanag 3. Iugnay ang mensahe ng koro sa mga kabataang mababa ang tingin sa sarili o walang tiwala sa sarili. Ano ang hamon nito? 4. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na: “Dinggin ang tawag ng iyong loob”? May kaugnayan ba ito sa pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga sa pagtupad ng iyong pangarap? Pangatwiranan. 5. Iugnay ang mensahe ng huling saknong sa tunguhin ng isip. Batay dito, ano ang konklusyong mabubuo mo tungkol sa pangarap? |
Mangarap Ka!
After Image Band Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi At ito'y iyong damhin At itanim mo sa iyong puso at ito ay lalaki Ikaw rin ang aani Hayaan mong lumipad ang isip Sa lawak ng langit Ito'y umaawit At ito'y nagsasabing Koro: Mangarap ka Mangarap ka Dinggin ang tawag ng iyong loob Umahon ka Umahon ka Mula sa putik ng iyong mundo Simulan mo sa pangarap ang iyong minimithi At ito'y iyong dalhin Bawat panaginip na taglay ng iyong isip Palayain mo at ilipad tungong langit Ang iyong tinig ay aawit |
PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PANG-UNAWA
Anim na taong gulang si Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog ng atakihin ito ng matinding hika. Sa kasamaang palad, lingid sa kaalaman ng mga doktor at magulang nito, mayroon pala siyang Steven Johnson’s Syndrome (SJS). Dahil sa kondisyong ito, hindi tinanggap ng kanyang katawan ang gamot na magliligtas sa kanyang buhay, sa halip ay naging sanhi ito ng kanyang pagkabulag.
Ang kanyang pilosopiya tungkol sa mga balakid na dumarating sa kanyang buhay ay ang sinasabi sa 2 Corinto 12:9; “At siya'y nagsabi sa akin, Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka't ang Aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya't bagkus Akong magmamapuri na may malaking galak sa Aking kahinaan upang manahan nawa sa Akin ang kapangyarihan ni Cristo.”
Sa kabila ng kanyang pagkabulag, ipinagpatuloy ni Roselle ang kanyang pag-aaral. Pangarap niyang makapagtapos nang may karangalan. Tinanggap niya ang pinakamataas na karangalan sa paaralan mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo. Pinili ni Roselle na magpasalamat sa mga biyaya at ibahagi ang mga biyayang ito sa ibang tao. Siya ang kauna-unahang bulag na naging summa cum laude ng Ateneo de Manila at nagtapos ng Bachelor ng Science sa Matematika at minor sa Actuarial Science. Natamo niya ang lahat ng karangalang maaaring makamit ng isang mag-aaral sa Ateneo: ang Ateneo President’s Award bilang Valedictorian ng Class 2001, ang Ateneo Vice-President’s Most Outstanding Individual award para sa paglilingkod at kahusayan, ang St. Ignatius award para sa pinakamahusay na Scholar, at ang Departmental award para sa Matematika.
Itinatag ni Roselle ang Project Roselle, isang proyektong nagkakaloob ng mga desktop computers, scanners at Braille printers, maging ang special software tulad ng screen readers, screen magnifiers at optical character recognition (OCR) applications sa mga paaralang pampubliko na may mga mag-aaral na bulag. Ginawa niya ito habang nag-aaral ng kanyang Masters Degree sa Unibersidad ng Pilipinas. Kabilang sa mga nabiyayaan ng proyektong ito ang alma mater niyang Ramon Magsaysay High School sa Manila, Quirino High School sa Quezon City at Bagong Silang High School sa Caloocan City. Habang nakabase sa Pilipinas, nagtrabaho si Roselle bilang Consultant-Contractor para sa Human-Computer Interaction at Freedom Scientific, Inc., na lumilikha ng Windows PC solutions para sa mga taong may kapansanan sa paningin at learning disabilities. Tinulungan niya ang Serotek Corporation ng Minneapolis, Minnesota, USA, na ipakilala ang System Access sa mahigit na 800,000 bulag at may kapansanan sa paningin na mga Filipino. Ito ay isang mura at portable na Windows screen reader na maariing gamitin sa ano mang computer na wala nang kakailanganing instalasyon at maaring gamitin sa computer sa paaralan, trabaho, o maging sa mga pampublikong lugar tulad ng aklatan at internet café.
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang kwaderno ang iyong mga sagot.
1. Ano ang pangarap ni Roselle? Paano natupad ang kanyang mga pangarap? Ipaliwanag.
2. Anu-anong mga katangian ni Roselle ang nagbigay daan upang siya’y magtagumpay? Pangatwiranan.
3. Sapat ba ang magkaroon ka lamang ng pangarap at itinakdang mga mithiin?
4. Masasabi mo bang naayon sa plano ng Diyos ang kanyang mga
mithiin? Ipaliwanag
PAGHINUHA SA BATAYANG KONSEPTO
Matapos ang pag-aaral sa module na ito, sagutin mo ang tanong na: "Bakit mahalaga ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin?"
PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap
Ngayon marahil ay lubos mo nang nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangarap at pagtatakda ng mga mithiin. Handa ka nang magtakda ng sarili mong mga mithiin para maabot ang iyong mga pangarap.
Sa iyong kwaderno, sumulat ng iyong mga pansariling mithiin para sa:
1. pamilya
2. paaralan
3. pakikipagkaibigan
4. pamayanan
5. buhay-ispiritwal